Payo kay Jolo Revilla: Pakasal sa isang human rights lawyer

jolo revilla

MAALIWALAS ang mukha ni Cavite Vice-Governor Jolo Revilla noong makausap namin sa reception pagkatapos ng oath-taking ng kanyang ina at bagong mayor ng Baccor City na si Lani Mercado.

Parang hindi galing sa matinding break-up si Jolo and all smiles parati everytime mababanggit ang kanyang lovelife. Aba, umabot din sila ng four years ng ex-girlfriend niya na si Jodi Sta. Maria. Bukod sa mas pumogi, pumayat na rin si Jolo. Ten pounds na raw ang nabawas sa kanyang timbang and he is losing more. For sure, maraming babae ang naghihintay lang mapansin ni Jolo. Ikaw na ang maging isa sa most sought after eligible and desired bachelors sa bansa, huh!

Siyempre, napag-usapan din ang tungkol sa ex-girlfriend niya. But a true gentleman that he is, mas mabuti na raw na walang lumabas mula sa kanya sa hiwalayan nila ni Jodi. Wish ng ilang malalapit kay Jolo, mag-ala George Clooney at Sen. Bongbong Marcos pagdating sa babaeng pakakasalan. Parehong human rights lawyer ang misis nina George at Bongbong.

Read more...