May suwerte pa bang darating sa pag-ibig? (2)

Sulat mula kay Carla ng Lasang, Riverside, Dumaguete City
Problema:
1. Marami na akong naka-relasyon, pero walang nagtagal. Hindi ko alam kung bakit parang malas yata ako sa pag-ibig. Sabi ng mga friends ko, sa dami na ng mga nakarelasyon ko sinsira ko lang daw ang buhay ko. Sa ngayon gusto ko ng magbago, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. May mga manliligaw pa rin naman, pero hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, baka lokohin na naman nila ako at paasahin at pagkatapos ay iwanan.
2. Kaya sana tulungan mo akong mamili para hindi na ako mamali ng desisyon. Dalawa ang masugid kong manliligaw sa ngayon. Isang isinilang noong February 12, 1989 at isang isinilang nuong January 5, 1990. May 14, 1991 naman ang birthday ko. Sino sa kanilang dalawa ang dapat kong piliin upang hindi na ako muling malasin pa sa pag-ibig? At may pag-asa pa bang suwertehin ako sa pag-ibig at magkaroon ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya?
Umaasa,
Carla ng Dumaguete City
Solusyon/Analaysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing sa dalawang lalaking masugid mong manliligaw sa kasalukuyan, higit mong ka-compatible siyang isinilang noong January 5, 1990. Kung saan, sa sandaling siya ang nakatuluyan mo, tiyak na uunlad at habang buhay ng magiging maligaya ang bubuuin ninyong pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 14 ay nagsasabing higit mong ka-tugma at ka-compatible ang lalaking may birth date na 5, siya ang dapat mong maging boyfriend at mapangasawa, dahil kapag nagkatuluyan ang birth date mong 5 at birth date niyang 14, tulad ng nasabi na, tiyak na uulad at yayaman ang itatayo nyong pamilya.
Luscher Color Test:
Upang hindi na muling mabigo sa pag-ibig at makamit na ang isang maligaya at pang habang buhay na pagsasama, lagi kang magsusuot at gumamit ng kulay na asul at pula. Sa nasabing kulay, makakasumpong ka na ng isang mabuti at pang habang buhay na asawa.
Huling payo at paalala:
Carla ayon sa iyong kapalaran, sa taong kasalukuyan sa buwan ding ito ng 2017 kusa ng mabubuo ang mainit na ugnayan sa pagitan ninyong dalawa ng manliligaw mong isinilang sa noong January 15 1990. Sa sandaling nakabuo kayo ng isang lehitimo at wagas na relasyon, sa pag-ibig kusa ka ng susuwertehin hanggang sa tuloy-tuloy ng hahantong ang nasabing ugnayan sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Read more...