‘Nakakaloka ang drama ni Angelina King…Tomboy na na-trap sa katawan ng lalaki?

 

NU’NG una kong narinig na meron na namang isang lalaking nag-come out and becomes a transwoman, natuwa ako. Kumbaga, sabi ko sa sarili ko, this is it! Very positive ‘kako for the LGBT community dahil isang sosyal na katulad ni Ian King who is married to fashion icon cum VJ Joey Mead ang umaming isa na siyang transwoman. Ang saya-saya, di ba?

Pero di kalaunan ay may mga naglabasang pronouncements itong si Ian a.k.a. Angelina King na babae pa rin daw ang napupusuan niya and she never gets attracted to men. Ano iyon? Wala naman pala siyang gusto sa lalaki, bakit pa siya nag-transform into a transwoman? What for?

I may speak for many of us sa kabadingan world – even the katomboyans – kaya ka nga ganoon because you are attracted to the same sex, di ba? Emosyon ang batayan dito, hindi anyo lamang. For a gay man to admit that he is gay, natural na may gusto siya sa kapwa niya lalaki.

The least that he could be, as people say, ay maging bisexual, someone who gets attracted to both men and women. Pero for someone like Ian na naging Angelina at nagsasabing hindi siya attracted sa lalaki is really weird. That’s how we look at it. Parang kalokohan naman iyon.

Feeling ko nagpapakakontrobersiyal lang ang mag-asawang ito, malamang na part ito ng isang malaking marketing strategy or what. Parang trip-trip lang. Gawain lang ng mga weirdo iyan. Imagine, umabot ka sa puntong nagsuot ka na ng damit-babae from a macho man lalo na’t isa kang car enthusiast – coming from a very macho world – tapos sasabihing wala siyang gusto sa lalaki. Nagbading ka pa kung wala namang saysay. Kaloka!

Then, days after, may lumabas sa social media na isang video na naghahalikan sina Angelina at Joey – as in halikan talaga – nakakapanindig-balahibo, di ba? Kahit sabihin pa nilang mag-asawa naman sila sa tunay na buhay pero the fact na umamin na si Ian na isa na siyang transwoman, nakakakilabot pa ring panoorin. Isa itong malaking EIWWW!

Kayo ba’y naniniwalang bading na nga itong si Ian, este Angelina King? Paano siya naging bading eh, wala naman pala siyang gusto sa kapwa lalaki? Ano siya, isang lesbiyana trapped in a man’s body? Bago iyon, ah. The first of its kind na kailangang pag-aralan ng mga psychiatrist sa buong mundo. Spell MALALEY! Ha-hahaha!

Wala naman pala siyang gusto sa lalaki, sana he remained a man na lang tutal lalaki naman siya talaga physically, di ba? Parang nakakabobo lang ang peg, ‘no? Tayo namang lahat patola. Kumbaga sa baccarat, 8 na humirit pa, bokya tuloy.

 

Read more...