MARIO MAURER hiniwalayan ang GF para kay CACAI BAUTISTA?

cacai marioParang ang hirap namang paniwalaan ang chismis na kumakalat ngayon sa internet na hiwalay na si  Mario Maurer sa kanyang girlfriend of many years at ang karelasyon daw nito ngayon ay ang comedienne na si Cacai Bautista.

Ang kumakalat na chika, na-in love itong Thai superstar sa komedyana.

Me gano’n? How did it happen?

Baka na-develop ang dalawa noong nagsu-shooting sila ng movie.

Magkasama kasi palagi ang dalawa sa mga lakaran at parang giliw na giliw si Mario sa kalukahan ni Cacai.

Kalat na kalat na sa social networking sites na merong relasyon ang dalawa. Hindi nga lang namin malaman kung si Cacai ang dahilan ng split up ni Mario sa kanyang Thai girlfriend.

Kung siya nga, aba, ke haba-haba naman ng hair nitong si Cacai, ha.

Cacai, dyowa mo na nga ba si Mario Maurer? Pakisagot na!

Read more...