JaDine di na kasama sa show ng ASAP sa US

nadine lustre at james reid

EXCITED na ang mga kababayan nating Pinoy na nasa New York City, USA at mga kalapit lugar nito dahil sa nalalapit na show ng ASAP21 na may titulong “ASAPinoy” na gaganapin sa Barclays Center (Brooklyn, NYC) sa Set. 3.

Malakas ang benta ng tickets sa nasabing show kaya naniniwala kaming kayang-kayang punuin ng mga Kapamilya stars ang 55,000 seating capacity ng concert venue.

Hindi lang ang mga kababayan nating Pinoy ang excited sa nalalapit na show ng ASAP21 kundi maging ang mga artistang bumubuo ng programa dahil first time rin pala nilang magpe-perform sa New York na produced ng The Filipino Channel.

Kuwento ng Business Unit Head ng ASAP21 na si Ms. Joyce Liquicia nang makausap namin sa nakaraang presscon ng “ASAPinoy”, “Madalas kasi kami sa Los Angeles at iba pang lugar, so first time namin sa New York, maganda raw ang feedback.”

Nasa 30 artists lang daw ang makakasama sa ASAPinoy show dahil limitado ang budget at maging sa staff ay piling-pili lang. Kasama sa event ang sikat na loveteams ng Kapamilya tulad ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), LizQuen (Liza Soberano at Enrique Gil) at ElNella (Elmo Magalona at Janella Salvador).

Hindi naman makakasama sina James Reid at Nadine Lustre dahil abala na sila sa taping para sa upcoming serye nilang Till I Met You under Dreamscape Entertainment na ididirek ni Antoinette Jadaone.

Read more...