Klase, tanggapan ng gobyerno suspindido kay Butchoy

butchoy

SINUSPINDE na rin ng Palasyo ang pasok sa lahat ng tanggapan ng gobyernor at sa lahat ng antas ng paaralan sa National Capital Region (NCR) matapos naman ang epekto ni bagyong Butchoy.

Sa ipinalabas na Memorandum Circular number 2 ni Executive Secretary Salvador Medialdea, inatasan naman niya ang mga ahensiya na may kinalaman sa pagbibigay ng serbisyong medikal at sa mga kalamidad na manatili ang operasyon.

Nauna nang nagsuspinde ng klase ang halos lahat ng mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at kalapit na probinsiya dahil sa pananalasa ni Butchoy sa bansa.

 

Read more...