Narco solons, isunod

DI maaaring manood na lamang at sabihing, “Trabaho yan ng gobyerno.” Di rin dapat maniwala’t umasa sa bulaklak ng dila na, “Dala ko ang pagbabago.” Iyan ang Pagninilay sa Ebanghelyo (Is 66:10-14c; Slm 66; Gal 6:14-18; Lc 10:1-12, 17-20) sa ika-14 na linggo ng karaniwang panahon.

Ang Pagninilay ay isinulat noong Mayo-Hunyo 2015 at di pa natatanaw na magiging pangulo nga si Digong Duterte. Himala? Hindi. Ginabayan ng Panginoon ang nagsulat nito, nang di niya nalalaman; tulad ng exorcist ng Archdiocese of Manila na nagpapalayas ng demonyo sa pamamagitan ng mga salitang nagmumula sa kanyang bibig, na ginagabayan ng Espiritu Santo at ng Panginoon.

Sa daloy ng Pagninilay, binalaan ang mga dumalo sa Misa na huwag nang maakit sa bulaklak ng dila, tulad ng “daang matuwid,” “kung walang korap, walang mahirap,” “Ewan sa mahirap,” atbp. Tunay na kay ganda ng bulaklak dahil ito’y likha ng Diyos. Pero, kapag ang bulaklak ay inilagay sa ibabaw ng dila ng politiko, sinasagpang ito ng demonyo para maghirap ang taumbayan.

Ang bintang ni Digong sa umano’y “narco generals” sa PNP ay hearsay. Alam din yan ng mga PO Box (Po1, Po2, Po3). Pero, ilan sa kanila ay natuwa. Alam nila ang kaduda-dudang garbo ng pamumuhay ng mga heneral, na hindi maaaring mangyari kung kukuwentahin ang kanilang suweldo (kung isasama ang sahod, puwede). Ang “maagang pagsisikap” sa pagpupulis ay itinuturo ng mga opisyal sa PO Box.

Mahiyain pala si Digong, tulad ng karamihang promdi. Bakit ayaw niyang sisihin si BS Aquino 3? Sa panahon ni BSA3, at hindi sa termino ni GMA (aba’y naroon si Dionisio Santiago) lumala ang problema ng shabu, Ecstasy, fruit cocks at halo-halo. Ang FC at HH, o H2, ay nakarating na rin sa Davao, pero ang itinutumba ay mahihirap. Galugarin din ang showbiz, damo durugista diha.

Galit si Digong sa katiwalian sa hudikatura. Sa 89 kasong kriminal bilang mamamahayag, na napagwagian ko lahat, nakita ko ang katiwalian at panggigipit. Ang kapangyarihan ay ginamit, ang pera ay dumaloy at ang regalong starlet ay hinintay ng hungkag na huwes sa Pasig para lamang gipitin ang mamamahayag. Gusto ko nang barilin ang huwes na ito. Naubusan siya ng dahilan at wala nang nagawa kundi idismis ang kaso pagkatapos ng halos 10 taon kapo-postpone.

Hinahamon ko si Vit (magkano raw ba ang kinita mo kay Herbert?) na bawasan o ihinto (kung kaya mo) ang katiwalian sa piskalya. Kasi, mismong lahat ng abogado na nakaranas ng hayagang katiwalian ay ayaw tumestigo laban sa piskal, na kanilang panyero. Mas tiwali pa sa pulis ang abogado, at alam din ito ni Digong.

Dapat isunod ni Digong ang narco solons, ang mga senador at kongresista na gumamit ng kita ng shabu, maliit man o malaki (pero karamihan ay malaki). Tama ang unang paraan ni Digong ng paglilinis sa bansa at tama rin na isunod na niya ang mga mambabatas na sangkot sa droga. Ang mga mayor at gobernador na sangkot sa droga ay kilala mismo ng kanilang constituents. Naiinip na ang taumbayan na makilala ang narco solons.

Walang sumukong durugista sa North Caloocan, di tulad ng iba pang lungsod sa MM. Pero, gabi-gabi ay may itinutumba na. May mga lumipat sa Bulacan, at doon naman sila itinumba pagkatapos na lumaban daw sa pulis (o pulis-pulisan).

MULA sa bayan (0916-5401958): Ano ba ang textline ni Bato? May isusumbong kami dito sa Camp Pantaleon Garcia. …8864 (Puwede pa rin ang 2920—Asam)

Read more...