MARAMING KathNiel fans ang kinilig at natuwa sa pag-amin ni Daniel Padilla na exclusively dating sila ni Kathryn Bernardo.
Sa isang TV interview ay sinabi ni Daniel na walang label ang kanilang relasyon ni Kathryn.
“Basta exclusive kami sa isa’t isa, hindi pwedeng may iba so kaming dalawa lang. Maaga pa sa ngayon. May mga gagawin pa kami and may tamang moments para doon,” say ni Daniel.
Agree naman si Kath sa statement ni DJ dahil totoo namang wala siyang ibang lalaking laging kasama ngayon kundi ang Teen King. Ibig bang sabihin nito, talagang tumiwalag na sa Iglesia ni Cristo si Kath kaya open na sila sa kanilang relationship ni DJ?
MOST READ
LATEST STORIES