Gay celebrity sumbungero, mahilig manisi ng katrabaho

BLIND ITEM MALE 0708

HANGGANG ngayon pala ay wala pa ring kakupas-kupas ang pagiging maangas ng isang personalidad na ang tingin sa kanyang sarili ay siya na ang pinakamagaling at pinakatalentadong artista sa buong mundo.

Naghinay-hinay lang nitong mga nakararaang buwan ang male-female personality (read: becki), pero umiiral pa rin ang kanyang kaangasan, sobrang feeling super-sikat nga ang becki.

Sa maraming pagkakataon ay nananagasa siya ng kanyang mga katrabaho, bukod kasi sa maangas na siya ay mahilig pang magsumbong sa kanilang mga ehekutibo, kaya nalalagay sa alanganin ang mga taong nagtatrabaho lang naman.

“Wala nang pagbabago ang ugali ni ____ (pangalan ng male-female personality), ‘yun na talaga siya, ‘yun na ang naturalesa niya. Talagang walang katulad ang kahambugan niya, siya na talaga!” madiing komento ng isang source tungkol sa becking personalidad.

Naging ugali na talaga niya ang pagiging mapagmataas, wala siyang pakialam sa damdamin ng ibang tao, ang mahalaga lang para sa kanya ay ang sarili niya.

“Mahilig siyang magdiin ng mga katrabaho niya. Kapag nagkakaroon ng aberya sa show nila, wala siyang kasalanan du’n, naïve na naïve siya, ibang tao ang may kapalpakan at hindi siya!

“Kahit obvious namang siya ang mali, e, deadma pa rin siya, ililigtas niya ang sarili niya, magtuturo siya ng mga taong wala namang kamalay-malay sa mga nangyayari.

“Ilang kasamahan na ba niya ang nalagay sa indulto dahil sa pagtuturo niya? Palaging walang kasalanan ang becking ‘yun, never siyang nagkamali, hindi siya marunong umamin sa mga pagkakamali niya.

“Bradly Guevarra, hindi maganda ang ganu’ng ugali, pero ‘yun na siya, naging bisyo na niya ang pagtuturo ng ibang tao kapag may nagagawa siyang kapalpakan!” pagtatapos ng aming source.

Read more...