ISIS maghahasik ng lagim sa Davao City – Paolo Duterte

ISINIWALAT ni Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na nahaharap ang lungsod sa banta ng international terrorist group na ISIS.
Si Duterte ang tumatayong acting mayor matapos na mag-leave of absence si Mayor Sara Duterte-Carpio.
Aniya, inatasan na ang pulisya at militar na paigtingin ang seguridad sa lungsod upang mapigilan ang anumang pag-atake ng ISIS.
Sinabi ni Duterte na nakakalap siya ng impormasyon kaunay ng kinaroroonan ng grupo, bagamat tumanggi na siyang magbigay ng detalye.
“We are intensifying the gathering of information. We cannot disclose details or confirm anything as of yet,” sabi ng vice mayor.

Read more...