Sulat mula kay Carla ng Lasang, Riverside, Dumaguete City
Dear Sir Greenfield,
Marami na akong naka-relasyon pero walang nagtagal. Hindi ko alam kung bakit parang malas yata ako sa pag-ibig. Sabi ng mga friends ko, sa dami na ng mga nakarelasyon ko ay sinisira ko na lang daw ang buhay ko. Sa ngayon ay gusto ko nang magbago, pero hindi ko alam kung paano magsisimula. May mga manliligaw pa rin naman pero hindi ko alam kung sino ang pipiliin ko sa kanila. Natatakot akong baka magkamali na naman ako, baka lokohin na naman nila ako at paasahin at pagkatapos ay iwanan. Kaya sana tulungan mo akong mamili para hindi na ako mamali ng desisyon. Dalawa ang masugid kong manliligaw sa ngayon. Isang isinilang noong February 12, 1989 at isang isinilang nuong January 5, 1990. May 14, 1991 naman ang birthday ko. Sino sa kanilang dalawa ang dapat kong piliin upang hindi na ako muling malasin pa sa pag-ibig? At may pag-asa pa bang suwertehin ako sa pag-ibig at magkaroon ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya?
Umaasa,
Carla ng Dumaguete City
Solusyon/Analaysis:
Palmistry:
May bilog at medyo magulo ang unahang bahagi ng Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin, hindi nga masyadong magiging maganda ang karanasan mo sa pag-ibig sa simula sa iyong pagdadalaga, pero pagtuntong mo ng edad 25 pataas, ibig sabihin sa kasalukuyang taon, unti-unti nang maayos ang iyong love life, hanggang sa habang buhay ka ng lumigaya (Illustration 1. arrow 2.), dahil gumanda na nga sa nasabing panahon ang iyong Heart Line (arrow 2.).
Cartomancy:
Jack of Clubs, King of Hearts at Seven of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung sino ang mas bata ang edad sa dalawang masugid mong manliligaw ay siya ang magiging boyfriend mo. Mabubuo ang isang maligayang relasyon sa buwan ding ito ng Hulyo.
Itutuloy