Pulis na pusher itinumba sa Bulacan

gun16

NATAGPUAN ang mga labi ni PO3 Michael Lee Manalad sa madamong lugar sa Meycauayan, Bulacan, Huwebes ng madaling araw.

Nakasabit sa kanyang katawan ang karatula na, “Pulis na pusher ‘wag tularan.”

Nakauniporme pa si Manalad nang matagpuan ang kanyang bangkay sa Baranga Ubihan ganap na alas-12:47 ng umaga, ayon Bulacan Police Office.

Natagpuan naman ang mga pakete ng shabu sa kanyang bulsa.

Sumugod ang mga residente sa lugar matapos makarinig ng mga putok ng bala.
Tubong Isabela, Basilan, miyembro si Manalad ng Malolos City police.

Read more...