NAKIKIISA si Angelica Panganiban sa panawagan ng Star Cinema na itigil na ang pagpo-post sa Facebook ng “The Achy Breaky Hearts.” Kalat na kalat kasi ang pirated copy ng nasabing movie sa Facebook.
Sa IG post ng official statement ng Star Cinema ay ganito ang caption ng aktres: “Alam po ba ninyo kung gaano kahirap gumawa ng isang kwento? Isang pelikula? Isang eksena at isang shot? Kung anong kailangan namin gawin, isipin, isakripisyo para lang makaarte kami ng tama? Para may mapanood kayong makabuluhan, may aral. Yumbang may sense.
“Alam nyo po ba kung ilang oras lang ang tulog namin kapag gumagawa kami ng pelikula? Alam nyo bang kadalasan hindi namin nakakasama pamilya namin dahil may tinatapos kaming playdate? Napaka hirap po ng trabaho namin. Hindi ho namin sinisira ang kabuhayan ninyong mga nanonood ng pirata.
“Pero bakit kayo? Tinatanggalan ninyo kami ng kabuhayan? Yes. Affected ako. Dahil biktima na ko ng piracy. At affected ako dahil pangalawang beses na tong nangyayari sa kaibigan kong direktor na walang sawang nagbibigay sa inyo ng pelikulang nagpapasaya, nagppaiyak at nagtuturo sa inyo kung pano magmahal. Tigilan niyo na ang piracy. Wala kayong pera, pero may pang bayad kayo ng wifi at pang bili ng computer? EhDiWow!”
Matindi na ang piracy ngayon dahil ginagamit na ang social media para mas maraming makapanood ng mga piniratang movies.