Lovi, Tom magdurusa dahil sa Alzheimer’s disease

lovi poe at tom rodriguez

ALL is well para sa Primera Aktres na si Lovi Poe pero mukhang masasaktan at iiyak na naman siya nang bonggang-bongga dahil sa pag-ibig.

Sa pinakabago niyang GMA Primetime series na Someone To Watch Over Me na magsisimula ngayong Agosto, gagampanan niya ang karakter ni Joanna Mercado, asawa ng isang Alzheimer’s patient to be played by Tom Rodriguez.

Dahil sa sakit na ito ng kanyang mister, labis ang sakit na mararamdaman niya nang makalimutan siya ng asawa at ang tanging maaalala lang nito ay ang naging ex-girlfriend. Pero para kay Lovi na kilalang award-winning actress, challenging yet inspiring ang kanyang bagong role.

“Actually, ini-imbibe ko na yung pain na nararamdaman ni Joanna para pagdating sa set ready na ako. Pero sobra akong nagpapasalamat palagi kasi sa lahat naman ng binibigay sa akin na projects ng GMA, masaya ako du’n,” sey ng Kapuso actress.

Samantala, matapos ang kanyang European trip with his girlfriend Carla Abellana, recharged na muli ang Kapuso hunk na si Tom Rodriquez upang gampanan nga ang role ni TJ Chavez sa Someone To Watch Over Me na magkakaroon ng Alzheimer’s disease.

Para kay Tom, isa na namang kakaibang role ang kanyang gagampanan kaya todo na ang paghahanda niya. “Right now, I am just trying to educate myself with this illness because it’s a very real thing pala. Kaya to prepare for a role that’s as heavy as this, it must be a superb one,” kwento ng aktor.

 

Read more...