Nais ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na ibaba ang edad ng mga maaaring parusahan upang hindi magamit ng mga sindikato ang mga bata.
Inihain ni Alvarez at Capiz Rep. Fredenil Castro ang House bill no. 2 upang maamyendahan ang Juvenile Justice and Welfare System Act (Republic Act 10630).
Mula sa 15 taong gulang, nakasaad sa panukala ang pagbabalik sa edad na siyam ng mga maaaring parusahan sa paggawa ng krimen.
“While the intent of protection of the Filipino youth may be highly laudable, its effects have had the opposite effects— the pampering of youthful offenders who commit crimes knowing they can get away with it,” saad ng panukala. “Worse, adult criminals— individually and/or in organized cabal— knowingly and purposely make use of youth below 15 years of age to commit crimes, such as drug trafficking, aware that they cannot be held criminally liable.”
Sinabi sa panukala na marami ng alam ang mga siyam na taong gulang dulot ng internet at digital media.
“The choice of nine years as the minimum age of criminal responsibility under the Revised Penal Code was infused with wisdom. Most children above this age, especially in these times when all forms and manner of knowledge are available through the internet and digital media, are already fully informed and should be taught that they are responsible for what they say and do.”
Ayon sa panukala, ang mga nakagawa ng krimen na wala pang siyam na taong gulang ay exempted sa criminal liability subalit kailangang sumailalim sa intervention program.
“A child 9 years of age and above but below 18 years of age shall likewise be exempt from criminal liability and subjected to an intervention program, unless he/she is determined to have acted with discernment in which case he/she shall be subjected to appropriate proceedings in accordance with this Act.”
Hindi naman nangangahulugan na lusot sa civil liability o pagbabayad ng danyos ang mga batang lumabag sa batas.
MOST READ
LATEST STORIES