TV host-actress lantaran ang paglalandi kay hunk actor

BLIND ITEM MF 0409HALA, parang ayaw naman naming maniwala na ang isang gaya ng actress-TV host na ito ay magagawang mag-stalk o magparamdam sa kanyang leading man. Isang bonggang source ang nag-reveal na day one pa lang daw ng shooting ng pagsasamahang project nina actress-host at hunk actor, kakaibang sweetness na raw ang ipinakita ng girl.

Pero nagpapaka-propesyonal lang si aktor at hindi na raw nito pinapatulan ang mga hirit ng leading lady niya kaya madalas daw ay wala sa mood ang actress-TV host. Dumating pa nga sa point na kinuntsaba ni actress-host ang kanyang alalay nang pagbitbitin nito ang huli ng mga pinamiling anik-anik after nilang mag-shoot sa isang mall.

Dahil nandoon pa si hunk actor, ito ang nagprisintang magbitbit dahil sa awa nito sa alalay na sinamantala naman ni aktres para makaiskor ng pagpapa-charming at pagpapakyut kay hunk actor, pero dedma pa rin daw si aktor. Kawawa naman si aktres, kahit na siguro magtutuwad o bumukaka pa siya sa harap ni aktor ay hindi siya papatulan nito!

Read more...