Kawawa ang mga kapamilya stars na masasagasaan sa pagbabalik ni Kris

kris josh at bimby

MALAKING-malaki na ang pagbabago sa buhay ngayon ng mag-iinang Kris Aquino, Joshua at Bimby. Sa loob nang anim na taon ay merong sumusunud-sunod na bodyguards sa kanila.

Kahit saan sila magpunta ay kasama nila ang mga PSG na naka-assign kay Kris bilang presidential sister, napalapit na sa loob ng magkapatid na Josh at Bimby ang mga ito, wala na sila ngayon dahil bumaba na sa posisyon ang kanyang kuyang pangulo.

Pero kayang-kaya namang kumuha ni Kris ng mga bodyguards para sa kanyang mga anak, meron siyang milyones, dumi lang sa kuko ng aktres-TV host ang ipasusuweldo niya sa mga taong magbabantay sa kanyang mga anak.

Ayon sa nakausap naming source ay linggo na lang ang hihintayin para sa muling pagpirma ng kontrata ni Kris sa ABS-CBN. Pinaplantsa na raw ngayon ang kontrata, ilang detalye na lang ang idinadagdag pa, siguradong sa Dos pa rin mapapanood ang Queen Of All Media.

“Hindi ko siya nakikitang nagtatrabaho sa ibang channel. Sa Dos pa rin si Kris. Alam na niya ang pasikut-sikot ng network, kilalang-kilala na niya ang mga tao du’n, she’s not transferring,” diretsong sabi ng aming kausap.

Sa pagbabalik ni Kris Aquino sa trabaho ay siguradong may mga kinakabahan na siyang kasamahan ngayon sa network. Natural lang na kapag may nagbabalik ay may mapagdadamutan ng oportunidad. At palaging may espasyong nakalaan para sa mga personalidad na may talento. Laging may space ang Dos para kay Kris.

READ NEXT
Buhay Italia
Read more...