Mr.Pastillas ayaw daw munang magdyowa, pursigido sa career

mr pastillas richard parojinog

PURSIGIDO na sa kaniyang papasuking showbiz career ang guwapong bagets na si Richard Parojinog na nakilala bilang Mr. Pastillas sa It’s Showtime. He enjoyed every applause that he got mula nang manalo siya as such.

And in fairness to this young man, hindi lang basta guwapo, he has a very good singing voice. Nakasama na namin ni Michael Pangilinan si Richard nu’ng minsang mag-guest siya sa pa-concert ng isang common friend namin sa Cebu City last year and whew, pang-recording artist ang boses niya. At ang galing humawak ng audience – born star talaga ang guwaping na ito.

Suggestion ko lang, he has to lose a little more weight para mas maganda ang registration niya sa screen.

“Ready na ako sa showbiz, be it sa acting or sa singing. I’m just waiting for the right break. Tapos na naman ako sa school. I already finished school kaya may lisensiya na ako to do what I want. My family naman has been very kind to me, very supportive naman sila sa dreams ko eh.

“Right now, I am busy lang with some mall shows and some invites. Sana palarin ako sa showbiz. this is one thing that I dream of now – to make a little name for myself in the movie industry,” ani Richard who comes from a political family sa Ozamis.
We know Richard’s family – disenteng pamilya at mabait na bata ito. And mind you, wala raw siyang lovelife ngayon. Akala kasi ng marami ay naging sila ni Pastillas Girl noon.
“Hindi po. Nagkakilala lang kami sa It’s Showtime. Maganda siya pero never naging kami. May boyfriend na iyon. Okay lang akong loveless. mag-concentrate muna tayo sa career natin, pa-start pa lang tayo. Mahirap yung mawalan ng focus, di ba?!” he shared with us.
Good luck, Richard. Hope Lady Luck knocks at your door.

Read more...