Cesar versus Coco sa FPJ’s ang Probinsyano

coco martin at cesar montano

SA wakas ay binigyan na rin ng love interest si Pepe Herrera alyas Benny sa FPJ’s Ang Probinsyano sa katauhan ni Meg Imperial na bagong pasok sa serye ni Coco Martin. Estudyante ang papel ni Meg at para matustusan ang pag-aaral ay nag-apply siya sa isang restaurant kung saan niya nakabungguan si Benny.

Aliw ang unang pagkikita nila dahil ginaya ito sa seryeng Born For You nina Elmo Magalona at Janella Salvador na parehong na-love at first sight at nagkabuhul-buhol din ang pulang tali ng kanilang ID, hindi nga lang invisible.

Pasok na rin si Cesar Montano sa Ang Probinsyano bilang bagong makakalaban ni Coco kaya siguradong mas maaksiyon ang mga susunod na eksena sa serye. Hindi pa rin natitinag sa pagiging number one sa ratings game ang FPJ’s Ang Probinsyano kaya naniniwala na kami sa tsikang aabutin pa ito ng 2017.

Read more...