Buhay Italia | Bandera

Buhay Italia

Susan K - July 06, 2016 - 12:10 AM

MILAN, Italy – Kapag nagkikita-kita ang mga Pinoy dito sa Italya, siguradong halos sabay-sabay mo ring maririnig sa kanila ang iisang hinaing sa buhay. Bukang-bibig ng mga ito sa kanilang mga get-together ay “Haaayy… buhay Italia!”

Bakit nga ba sa halip na masaya silang nagkukuwento ng kani-kanilang mga karanasan sa pangingibang-bayan, malungkot at mabigat ang kanilang mga nararamdaman?

Kung susumahin natin ang sanhi ng mga kalungkutang iyon ay maririnig sa kanila ang walang katapusang pagpapadala ng pera na pinaghirapaang maigi sa ibayong dagat para suportahan ang kanilang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

Sa tagal na rin naman ng Bantay OCW, paulit-ulit, walang nababago sa mga kuwentong tulad nito. Bakit nga ba walang nababago? Nasaan ang pagkakamali at mga pagkukulang sa sitwasyong ito?

Minsan, tama rin siguro na dapat isisi ang mga pagkakamaling ito sa mga OFW na rin. Hinayaan kasi nilang masanay sa masarap na buhay ang mga kaanak sa Pilipinas habang sila ang nagpapakahirap o kayod-kalabaw ang ginagawa sa ibang bansa.

Tulad ni Terry, walong taon na siyang naririto sa Milan pero ni minsan ay hindi pa muling nakakabalik sa Pilipinas. Katwiran niya, sa halip na gastusin ang pera sa pamasahe, ipadadala na lang sa mga anak sa Pilipinas na nangangailangan ng kanyang suporta.

Ang mag-asawang Lino at Linda, gayung mahigit 20 taon nang nagtatrabaho dito, patuloy pa rin ang obligasyon sa pamilya, kahit pa hindi na mga bata o menor de edad ang mga anak, at may kanya-kanya na ring pamilya ang mga ito. Tuloy pa rin ang agos ng biyaya sa kanila.

Kaya naman ang kanilang mga anak, hindi na nagsumikap na maghanap-buhay pa dahil paniwala ay nandiyan palagi ang mga magulang.

Si Milet naman nagawang pagtaksilan ang asawang buong tiwala sa kaniyang tapat siyang nagtatrabaho rito. Ngayon ay may kinakasama na rin siya sa Milan.

Kapag umuuwi sa Pilipinas, kanya-kanya rin sila nang uwi sa kani-kanilang pamilya. Sabay silang nagbabakasyon, pero pagdating sa Pilipinas mas madalas pa rin silang magkasama at halos wala na ring panahon na ginugugol sa kanilang mga asawa’t anak.

Para kay Milet, ayos na rin sa kanya ang ganoong sitwasyon. Naiibsan umanonila ang kalungkutan bukod pa sa may karamay siya sa abroad. Wala naman silang balak na hiwalayan ang kani-kanilang mga asawa sa Pilipinas. Una, wala silang alam sa mga nangyayari at ayaw nilang masira ang pagtingin sa kanila ng kanilang mga anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi tuloy ng mga kakilala nila dito sa Milan, sila ang tipo ng mga mga taong nabubuhay sa pagkukunwari at nahihirati sa kasinungalingan, Hayyy… buhay Italya nga naman! Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali. Helpline: 0998.991.BOCW Website: bantayocwfoundation.org E-mail: bantayocwfoundation@yahoo.com/ susankbantayocw@yahoo.com

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending