Singil ng Meralco ngayong Hulyo tataas ng P0.29/kWh

Meralco

Meralco

Tataas ng P0.29 kada kilowatt hour ang singil ng Manila Electric Company ngayong buwan.

     Ayon sa Meralco, bumaba ng P0.08 kada kWh ang transmission charge pero hindi ito naging sapat upang mapawi ang pagtaas ng generation charge ng P0.34 kada kWh, buwis na P0.01 at iba pang bayarin na P0.02 kada kWh.
     Ang mga kumokonsumo ng 200 kiloWatt kada buwan ay may dagdag na P58.63.
     Ang umaabot sa 300kW ay madaragdagan ng P87.94, ang 400kW ay P117.25 at ang 500kW ay P146.57.
     Ang Meralco ang distributor ng kuryente sa National Capital Region at mga kalapit na lugar.
     Noong nakaraang buwan ay bumaba ng P0.13 kada kWh ang singil sa kuryente. Nagkakahalaga ng P8.32 kada kWh ang kanilang singil.

Read more...