Banayo appointment, nakapagtataka

MARAMING namangha sa pagkakahirang ni Lito Banayo bilang managing director at resident representative ng Manila Economic and Cultural Office (Meco).

Ang Meco ay mistulang embassy ng ating bansa sa Taipei because we adhere to the “One China” policy which considers Taiwan as just a province of China.

Pero ang Meco ay hindi lang de facto embassy, ito’y isang trading agency.

Ang sinumang mamuno sa Meco ay kikita ng malaki, lalo na kung ito’y corrupt.

Banayo would be a forest cat inside a chicken coop.

May pending graft case si Banayo sa Office of the Ombudsman dahil sa diumano’y pag-rig ng allocations ng rice import nang siya’y administrator ng National Food Authority (NFA).

Inimbestiga siya ng Senado dahil sa diumano’y rice smuggling. Ang Senado ang
nagrekomenda na siya’y sampahan ng graft case sa Office of the Ombudsman.

Kumita raw ng P1 billion si Banayo sa mga rice smugglers.

Ang pagpatay sa dating Philippine Tourism Authority (PTA) chief na si Nixon Kua, ayon sa aking NFA sources, ay may kinalaman sa rice smuggling noong si Banayo ay NFA administrator.

Noong mga early days ng administrasyon ni Cory Aquino, sinipa si Banayo bilang postmaster-general ni Transportation and Communications Secretary Reinerio Reyes.

Smuggling din ang pagkasipa ni Banayo bilang postmaster general.

Ginamit daw ni Banayo ang post office sa pag-smuggle ng mga baril kasama ang kanyang boyfriend.

Sinabi ni Secretary Reyes kay Banayo na kapag di siya umalis sa kanyang puwesto ay kakargahin siya ng mga sundalo palabas sa kanyang opisina.

Inapoint ni Pangulong Noynoy si Banayo bilang NFA administrator kahit na tutol sa kanya si dating Transportation and Communications Secretary Reyes.

Nirekomenda kasi ni Sen. Chiz Escudero si Banayo na malapit na kaibigan ni P-Noy.
****

Noong nakaraang kampanya para sa 2016 national election, pinilit ni Banayo na makapasok sa kampo ng kandidato na si Digong Duterte bilang spokesman.

Itinaboy siya ng mga tauhan ni Digong dahil sinusulot niya ang kanilang mga trabaho at dahil sa kanyang masamang background.
Hindi natinag si Banayo sa pagkakataboy sa kanya sa kampo ni Duterte; lumipat siya sa kampo ni Sen. Alan Peter Cayetano, ang running mate ni Digong.
Malamang ay si Cayetano ang nag-rekomenda kay Banayo sa Meco.
****

Malaki ang problema ni bagong hirang na director general ng Philippine National Police (PNP) na si Ronald “Bato” dela Rosa sa kanyang mga tauhan.

Maraming pulis ang protektor ng mga drug lords at pushers, mas marami pang iba ang lulong sa pinagbabawal na shabu.

Tingnan mo na lang itong si PO1 Vincent Paul Solares, isang pulis Maynila.

Nagwala si Solares sa loob ng Manila Police District (MPD) headquarters.

Pinaputok ni Solares ang kanyang baril at pinagbabasag ang mga litrato ng mga naging hepe ng MPD mula pa noong 1900 hanggang sa ngayon.

Matagal bago nasupil si Solares ng kanyang kapwa pulis.

Tumagal ng 20 minuto bago siya nasupil.

Bago pa man nagwala si Solares sa loob ng MPD headquarters ay nagpaputok at nanutok ng baril sa lugar na sakop ng MPD Station 4, pero hindi siya inaresto ng mga pulis.

O, akala ko ba ay sinasalvage ang mga pulis na nagwawala sa publiko?

Bakit hindi kinatay si Solares ng kanyang mga kasamahan sa MPD?

Read more...