Horoscope, July 04, 2016

Para sa may kaarawan ngayon: Wag ubusin ang pera sa alak at blow-out. Magtira para bukas. Sa pag-ibig, maghanda ng maraming pera, may biglaang romansang naghihintay. Mapalad ang 1, 7, 28, 31, 40 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agiel-Zazel-Yophiel”. Yellow at blue ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Wag sumuko hangga’t hindi nakakamit ang pinaka-dulo ng minimithi – ang yumaman. Sa pag-ibig, wag hiwalayan ang kasuyo, upang makamasa mo siya sa isang malaking tagumpay. Mapalad ang 9, 12, 18, 27, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” Magenta at white ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Wag ng maghanap ng kaligayahan kung saan-saan, nasa sarili mong tahanan ang ligaya. Mahalin ng lubos ang inyong pamilya. Sa ganyang paraan bukod sa ligaya kusang darating ang maraming grasya. Mapalad ang 6, 18, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Lalo mo pang palawakin ang iyong mundo. Habang dumadami ang kaibigan mas lalago ang oportunidad ng pagkakaperahan. Sa pag-ibig, mentras maraming kang kakilala at BFF mas makapamimili ka ng may busilak ang puso. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Dosya-Om.” Cream at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Sa simpleng buhay mas magiging maganda ang kapalaran. Iwasan ang maluhong pamumuhay. Sa pag-ibig, ayain ang kasuyo sa ilalim ng malaking punong kahoy, hawak kamay nyong pagmasdan ang paglubog ng araw. Mapalad ang 7, 16, 24, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sari-Kara-Carya-Om.” Pink at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Tanggapin lang ng tanggapin ang anomang negatibong sitwasyon. Tandaang “ang lahat ng iyan ay lilipas din!” Sa buwan ng July hanggang August kusa ng magbabago ang takbo ng kapalaran. Mapalad ang 7, 13, 26, 35, 43 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om.” White at beige ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)— Magtiwala sa sarili. Kaunting panahon na lang matutupad na ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay higit lalo sa aspetong pang-materyal. Sa pag-ibig, malaki ang maitutulong sa iyo ng kasuyong isinilang sa petsang 5, 14 at 23 upang mas madali kang yumaman. Mapalad ang 1, 12, 15, 27, 41 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Blue at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa araw na ito at sa susunod na mga araw ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang maligayang relasyon handog ng isang Virgo. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 12, 23, 36, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Veda-Rata-Vada-Om.” Purple at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Mawawala ang negatibong pakiramdam kung itutuon ang isipan sa ang mga bagay na may kaugnayan sa pag-ibig. Isang tapat at mabuting Taurus ang darating. Sa pinansyal, ang pinaka-epektibo pa ring paraan upang umunlad ay ang mag-ipon. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gayatri-Om.” Black at red ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—May darating na bagong kakilala, na makakasama sa panibagong yugto ng iyong buhay. Siguraduhing siya ay isang Aries o kaya’y Gemini, upang tuloy-tuloy ka ng lumigaya at umunlad. Mapalada ng 4, 13, 28, 33, 39 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Govardana-Krisna-Krisna-Om.” Orange at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pinansiyal, hindi awa ang dapat kundi ang pagiging mukhang salapi upang yumaman. Sa pag-ibig, kung puro damdamin ang paiiralin, paano ka uunlad? Mapalad ang 4, 14, 23, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agla-Aum-Aum.” Orange at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isang kasamahan ang magtsi-tsismis sa mga sinasabi mo. Wag gaanong magtitiwala sa mga kaibigan. Hindi rin dapat magyabang upang hindi ka nila kainggitan. Sa pag-ibig, basta tahimik ka lang kusa ng darating ang true love. Mapalad ang 7, 13, 22, 36 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Taph-Harth-Harath.” Pink at yellow ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Wag dayain ang sarili! Kapag alam mo ng palugi ang investment tumigil ka na bago malubog sa mga pagkakautang. Sa pag-ibig, kung alam mo namang iskadalo ang magiging wakas, wag ng ituloy ang lihim na relasyon. Mapalad ang 4, 14, 23, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om”. Magenta at white ang buenas

READ NEXT
Twin healings
Read more...