Angel isinumpa: Gagapang na parang ahas, mawawasak ang career

angel locsin

OO nga, totoo ang maraming obserbasyon, ramdam na ramdam ang pagiging malagihay ng career ngayon ni Angel Locsin. Wala siyang ginagawang proyekto sa ABS-CBN, napag-iwanan na siya ng kanyang mga kasabayan, kapag nagtagal pa ang ganyang sitwasyon ay hindi na nakapagtataka kung mahirapan na siyang makahabol.

Ano na ang nangyari sa career ng dalaga? Bakit mukhang binabalagoong na siya sa Dos? Bakit malagihay na ang presensiya niya ngayon sa telebisyon at pelikula? Wala bang makitang tamang proyekto para sa kanya ang Dos at ang Star Cinema? Nagkaroon ba ng problema sa kanila ng mga ehekutibo ng network kaya nagkakaganyan na ang career niya?

Isang source ang nagbulong sa amin, “Para kasing may sumumpa sa kanya. Masyadong nasaktan ang taong ‘yun sa ginawa niya. Ang kuwento, nagbitiw raw ang taong ‘yun ng sumpa! “OA naman ang kuwentong gagapang siyang parang ahas, hindi totoo ‘yun, pero ang sabi ng taong sinaktan ni Angel, e, hindi uusad ang career niya. Kilala ni Angel ang taong ‘yun, bakit kaya hindi siya makipag-usap para matuldukan na ang sumpa na nagiging sagabal sa career niya?” sabi pa ng aming kausap.

Totoo man o hindi ang kuwento ay hindi na mahalaga. Ang kasalukuyang takbo ng kanyang karera ang mas nakakaalarma. Milya-milya na ang layo kay Angel Locsin ng mga kasabayan niya.

Read more...