Vice magkakaroon ng free concert, pambawi ni Duterte sa mga taga-Davao

 

EXCITED si Vice Ganda sa planong free concert para sa mga supporter ni President Rodrigo Duterte sa Davao City. Ito raw pambawi ng kampo ni Digong sa nakanselang victory party ng pangulo last month.

“They’re planning for a big concert in Davao. Free siya para doon sa mga gusto sanang mapanood ako pero hindi natuloy,” ang sabi ni Vice sa panayam ng ABS-CBN.

Maraming na-disappoint nang biglang i-announce sa “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party” na ginanap sa Davao City’s Crocodile Park noong June 5 na hindi na makakapag-perform si Vice due to rains and power interruption.

Read more...