DECISION 2013: Richard ‘DICK’ Gordon

dick gordonGordon: Track record, di survey ang basehan

Ni Liza Soriano

“KAPAG pumili kayo ng lider dapat yung merong totality of everything.”

Ito ang  nais ipaabot ni United Nationalist Alliance (UNA) senatorial bet Richard “Dick” Gordon sa publiko nang makapanayam ng Inquirer Bandera sa tanggapan nito kamakailan.

Bagamat hindi umano siya pumapasok sa magic 12 sa mga survey na ginagawa ng Social Weather Station at Pulse Asia, naniniwala si Gordon na malaki ang tsansa niyang manalo pagdating ng aktwal na botohan sa Mayo 13.

Anya, kung ibabase lamang ng mga botante ang kanilang pagpili hindi sa kung ano ang lumalabas sa mga survey, kundi sa kung ano ang trackrecord ng isang kandidato, wala umanong dudang mananalo siya.

Bukod sa track record, ibinandera rin ni Gordon ang kwalipikasyon niya para sa pwesto.“I loved my country, I’m multi dimentional, I have a lot of passion and compassion in my blood.

I know I’ve done it before if I cant do it, I probably die.  I die, because I quit, I turn on my back on our people,” ani Gordon.

“Dapat nating kunin ang may puso para sa bayan,” giit pa ni Gordon na dati na ring senador.

Sa huling survey na ginawa ng SWS, nasa ika-14 na pwesto si Gordon habang naglalaro naman siya sa 13-16 pwesto sa survey ng Pulse Asia.

Dapat aniyang maging matalino at mapanuri  ang mga botante sa kung sino ang kanilang iluluklok sa Senado.

At hindi anya ito makukuha ng mga botante sa mga campaign ads na inilalabas sa telebisyon at radyo na ginagastusan ng malaking halaga.

Imbes na sa ganitong paraan, hinamon ni Gordon ang mga katunggali na magsama-sama para sa isang public debate para malaman ng taumbayan kung sino ang karapat-dapat sa Senado.

Nanawagan siya sa Commission on Elections (Comelec) na i-sponsor ang ganitong debate.

“Para magkaalaman na kung sino ba talaga ang may kapabilidad.

Paano mo sasagutin yung tanong ng bayan ano plano mo?

Kaya mo bang gawin ito?,” paliwanag pa ng kandidato.

Hindi rin anya siya lelebel sa taktika na ginagawa ng ibang kandidato.

“I’m going to win on my terms. Hindi ako gagaya sa kanila na sasayawa, magpapatawa sa entablado.

To me, this is a serious matter. Leaders raise the level of awareness, understanding, and responsibility of their constituents,” aniya.

Ayon pa kay Gordon na kapag pinangako niya, sinisiguro niyang matutupad ito.

Kung di man palarin sa darating na halalan, naniniwala si Gordon na magtutuluy-tuloy pa rin ang paglilingkod niya sa mamamayan.

Una ay sa pamamagitan ng Philippine Red Cross kung saan siya ang tumatayong chairman nito.

Bilang nangunguna sa Red Cross, isa anyang maipagmamalaki niya ay bukas ang kanyang telepono 24/7 sa lahat ng nangangailangan ng tulong — sa panahon ng karamdaman, sakuna at kalamidad.

“In the middle of night I throw lifelines, if somebody drowning out there.. my  phones becomes a lifeline”

Dahil dito ay yumaman siya, ngunit hindi anya sa materyal na bagay.

“I’m rich because of what I do not because of what’s in my pocket.

When people call and ask for help, I tell them I can do this. Sometimes I cannot do it, but I forced to do it and I succeed,” kwento pa niya.

Itinanggi rin ng dating senador ang akusasyon na siya ay mayabang o “egomaniac”.

Anya kung ang pagbabasehan ay track recrod, “hindi ito yabang, ngunit katotohanan lamang na may nagagawa ako, at nasasaksihan at nararamdaman nila.”

“Check may record, I ve  been mayor in Olongapo, I thought I was the best mayor that’s why sabi nila arrogant daw ako.

That’s what I think. That’s my father who taught me that be the best of what you do.”

“I don’t need the government but I think I can be effective in the government” hirit pa ni Gordon. — May dagdag na ulat ni

Bella Cariaso

Mga hirit ni Dick

SA kanyang pagbisita sa Inquirer Bandera kamakailan, inusisa nito ang dating senador at ngayon ay nagbabalak na makabalik sa Senado na si Richard “Dick” Gordon sa kanyang mga posisyon at opinyon sa mga napapanahong isyu.
Narito ang kanyang mga hirit:

Political dynasty
It is a violation of an individual’s rights not to be allowed to run.

The term political dynasty refers to something far more sinister than simply being a member of a family of politicians.

Political dynasty is one where, in effect, you impose your will either by violence or by intimidation and you get yourself elected.

But in the end, it’s the people who will choose, and some dynasties have felled by the wayside because of the voters’ rejection.

Divorce
I am in favor of it.  Kung wala ng pagmamahalan bakit ka magtitiis sa ganoong sitwasyon.

Divorce defines the rights and duties of the parents, rights and duties of the children and their obligations.

Gay Marriage
Hindi na siguro kailangan yun.

What is important is, you can have an article of co- ownership.

And I don’t think they will get married.

They are just dreaming. But nothing prevents them from dreaming.

They can even stipulate o, ayan magkasama tayo ngayon then kung magkakahiwalay tayo, hati tayo sa kung ano ang mga napundar natin.

Logging
You have to be wise in logging.

There are areas where to watch it .

Must be controlled lalo na illegal logging. Logging companies should be obliged to replant.

Legalization of jueteng
Dapat mahigpit ka.  Legalize it, that’s fine.

Kikita yan pero wala na dapat STL.Gawing legal ang pagbunot at  hindi dinadaya ang mga tao.

Yung perang kikitain idagdag sa  pondo ng mga pulis.

Death penalty
I am against it because it’s anti-poor.

The reimposition of the death penalty would only promote injustice since the Philippine society tends to put the blame on people but never try to provide real solutions to the problems.

Peacetalks
We should be careful because  what happened recently at the MILF camp (when President Aquino visited)  was propagandizing.

I want peace but it is not won through a piece of document but through education.

Education
Education should not be a choice.

Poverty is the absence of choice. You don’t have a choice when you are poor.

Nuclear power energy
I am not against it. Nuclear power will provide more energy in the country and this alternative energy is a clean and cheap energy source.

But we need to ascertain that the opening of the Bataan nuclear power plant is safe to use.

Pork barrel
I believe in pork barrel.

There are many things in the legislative department that has no budget.

Tourism
This is our ticket to development; the fastest way to progress.

Mga problemang dapat bigyang pansin agad
Ang territorial dispite ng bansa at ng China; party switching, mababang sweldo ng mga guro, environmental degradation, pagtaas ng crime rate partikular na ang krimen na gawa ng mga riding-in-tandem

FAST FACTS

1971: Nahalal si Gordon  bilang delegado ng Constitutional Convention; youngest delegate

1980-1986 at 1988-1993: Nahalal na alkalde ng Olongapo City na tinanghal bilang “model town”;
ipinairal ang slogan na “Bawal ang tamad sa Olangapo”

1992 – 1998: Founding chairman at itinalaga ng yumaong dating Pangulong Cory Aquino bilang chairman ng Subic Bay Metropolitan Authority

2001- 2004: Nagsilbi bilang kalihim ng Department of Tourism sa ilalim ng administrasyong Arroyo; nagpauso ng slogan na “Wow Philippines” na naging tanyag at nakapaghikayat sa mga turista na bumisita sa bansa

2004:  Nang mahalal bilang senador

2004 to present: Chairman, CEO ng  Philippine Red Cross

2010: Tumakbo sa pagkapangulo sa ilalim ng Bagumbayan-Volunteers for a New Philippines, at running mate  ang dati ring alkalde na gaya niya na si Bayani Fernando; kapwa natalo

Read more...