Sey mo Jodi, Jolo pumayat, mas pumogi mula nang maging single

jodi sta maria at jolo revilla

PINAKAKAKAIBA ang naganap na panunumpa ng bagong Mayor ng Bacoor City na si Lani Mercado sa St. Michael church noong Huwebes.

Nagulat ang karamihan sa loob ng simbahan noong lumabas ang mukha ni Sen. Bong Revilla Jr. sa malaking video wall sa loob ng church.

Unexpected kasi ang pangyayari na kay Sen. Bong manunumpa ang bagong Mayor ng Bacoor City.
Noong una ay inakala ng marami na isang live streaming ang nagaganap ilang minuto bago matapos ang term ng mister ni Mayor Lani bilang Senador.

“Actually, ano ‘yun, video siya. Tapos kami ‘yung sumusunod. Kasi nga natatakot kami kapag live stream kami baka magkaroon ng interference sa connection. Ginawan namin ng paraan para magkaganoon,” paliwanag ni Lani.

Two days ago pa raw nila kinunan ng video si Sen. Bong sa loob ng Custodial Center sa Philippine National Police sa Crame. Nagpaalam daw sila sa PNP na payagan sila na kunan ng video si Sen. Bong. Overwhelmed ang feeling ni Mayor Lani sa mga pangyayari mula sa kanyang panunumpa kay Sen. Bong sa harap ng kanyang pamilya, relatives, friends and supporters hanggang sa grand entrance niya papasok ng Bacoor City Hall.

Naunang pumasok sa kanya ang special guest niya at father in law na si former Sen. Ramon Revilla, Sr. Nandoon din ang isa pang naging Senador sa pamilya at tinaguriang PBA’s living legend na si Robert “Sonny” Jaworski na asawa ng anak ni former Sen. Ramon na si Evelyn.

Present din ang mga anak ni Lani mula sa panganay na si Bryan Revilla, si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla at ang bunso na si Ram Revilla. Kinumpirma rin ni Ram ang sinabi ni Sen. Bong sa amin na plano niyang mag-shift from BS Mathematics course to Business Management sa La Salle Taft.

Going back to Mayor Lani, masaya na malungkot daw siya kasi siyempre wala talaga in flesh and blood si Sen. Bong. Although, to the very last minute naman daw ay kausap niya ang kanyang mister. Kaya feel na feel pa rin ni Mayor Lani ang concern at support sa kanya ng asawa.

“Siya talaga ‘yung backbone ko. He gives me the confidence, ‘Kaya mo ‘yan. Dahan-dahan lang. Hindi mo kayang gawin ‘yan sa isang araw, dahan-dahan lang.’ Hindi magiging ganito kalakas ang looob ko kundi dahil sa kanya. Everything that I am right now, siyempre una ang Panginoon, si Bong talaga ang gumagabay sa akin,” lahad niya.

Regarding naman sa Jolo-Jodi Sta. Maria break-up, para kay Mayor Lani parehong adults na ang dalawa kaya alam na nila ang kanilang ginagawa. Basta siya, nandiyan lang daw for Jolo kapag kailangan niya ng shoulder to cry on.

“Basta I always tell him ang pag-ibig hindi mo masabi kung kailan ang tamang panahon, e. So, take your time. Hindi naman dapat minamadali ang pag-ibig. Baka malay mo dumating ang panahon kayo rin talaga.  “This is the time to love yourself and improve yourself, develop yourself. Baka may iba ka pang misyon sa buhay. Tapos later on, malay mo, ‘di ba?” pahayag pa ng mommy ni Jolo.

Mukhang okey naman na si Jolo noong makausap namin siya sa reception after the oath-taking ng Mommy Lani niya. Napakaaliwas ng mukha niya na parang ‘di dumaan sa heartbreak. Tingin namin mas gumuwapo pa siya after the break-up. Ten pounds na raw ang nabawas sa kanyang timbang ngayon and he is losing more. Baka next time, e, hindi na natin makilala agad si VG Jolo kapag back to his old form noong nag-aartista pa siya.

At tiyak, marami pa siyang babaeng makikilala. After all, kundi man top on the list, e, one of the most sought after eligible and desired bachelors sa bansa ang anak ni Sen. Bong and Mayor Lani, ‘di po ba, Manay Ethel Ramos?

Read more...