Maine: Handa ako kahit mawala ang kasikatan ko ngayon, natupad na ang mga pangarap ko!

maine mendoza at alden richards

HANDA si Maine Mendoza kung mawala man sa kanya agad ang kasikatang tinatamasa ngayon pati na ang kayamanang kaakibat nito.

Ayon kay Yaya Dub, kahit daw malaos siya at mawalan ng proyekto ay okay lang sa kanya, ang mahalaga raw ay natupad na niya ang kanyang mga pangarap at kahit paano’y nakapagpasaya siya ng mga tao. “Sa akin okay lang talaga, kahit biglang mawala ang lahat ng ito, kasi nagawa ko na naman yung mga gusto kong gawin. Ang dream ko lang naman talaga magka-billboard, magazine tsaka commercial.

“Kaya sobrang happy ko na po kasi na-achieve ko na ho, e. Na-fulfill ko na po, narito na po ako, narating ko na po ang pangarap ko. So, kung mawala man ito, okay na si Menggay, masaya na si Menggay!” sabi pa ni Maine sa grand presscon ng “Imagine You And Me”. Hirit pa ng dalaga, “Pero one thing is for sure, fulfilled na po ako. Na-reach ko na po ang pangarap ko, nakuha na po, masaya po ako.”

Sa ngayon, gusto lang daw ni Maine na ipagpatuloy ang pagpapasaya sa mga tao lalo na sa mga fans nila ni Alden na patuloy na sumusuporta sa kanilang tambalan. Natanong din ang dalaga kung ano ang masasabi niya sa mga chika na hindi raw naman siya sisikat kung wala si Alden Richards, aniya, “Hindi po ako worried na mawala ang kasikatan ko ngayon.

“Kasi ang main purpose ko naman kaya ko ito ginagawa, para makapagpasaya po ng tao kasi, nakikita ko silang masaya and nai-inspire ko po sila. Ginagawa ko lang po talaga ang gusto kong gawin, ‘yong pangarap ko, kung ano po ‘yong nakakapagpasaya sa ibang tao,” pahayag pa ni Yaya Dub.

“Imagine You And Me” is directed by Mike Tuviera at showing na nationwide sa mga sinehan sa July 13. Makakasama rin dito sina Jasmine Curtis, Kakai Bautista, Cai Cortez at marami pang iba.

q q q

Samantala, sinabi ni Maine na natapos niyang isulat ang theme song ng “Imagine You And Me” sa loob lang ng 15 minutes. Si Vic Sotto ang naglapat ng musika nito na in-arrange naman ni Jimmy Antiporda.

Ayon kay Maine, mabilis niyang natapos isulat ang lyrics ng kanta dahil dire-diretso raw ang pagpasok ng mga letra sa kanyang isip at puso, “Sinulat ko yung song after kong mabasa yung script, for the first time po yun.

“Pumunta po akong barangay then after kong basahin ang script…lumalabas sa amin ang thoughts and feelings kaya mas naging madali. “Puro puso po at damdamin. Hinayaan ko lang ang aking mga daliri na i-type ng tamang salita. Natapos ko siya mga after 15 minutes. Kasi fresh pa po ang feelings sa akin, fresh pa po ang emotions. Talagang damang-dama ko po.

“Kaya habang fresh pa sa akin ang feelings, ginawa ko na po. Du’n ko na po sinulat ang kanta para madama rin ng mga tao. Talagang hugot na hugot po,” chika pa ni Maine.

Sabi naman ni Alden nang marinig na niya ang duet version nila ni Maine sa trailer ng kanilang movie, “Nakakatuwa po. Hindi ko naman ine-expect. Maganda na po ang movie tapos nu’ng nalagyan po siya ng kanta, hindi ko ine-expect na magiging ganu’n kaganda ang movie. Bagay na bagay po siya sa pelikula.

“Masaya po ako na kahit paano, nakapagsulat si Maine ng song. Tsaka siyempre po kinilig rin. Nakaka-inspire pa pong magtrabaho, kapag may mga ganyang klaseng pakonswelo,” sey pa ng Pambansang Bae.

Read more...