Aubrey mas ‘maasim’ kina Ara, Yayo at Andrea

 

AMONG the Kembotitas na humataw sa dance floor ng It’s Showtime, winner para sa amin si Aubrey Miles na kahit nagkaedad ng konti ay may asim pa rin.

Super sexy pa rin ang dating sexy star although halata na ring nagkaedad na ito kumpara sa youthful looking pa ring si Yayo Aguila na siyang unang-unang featured “Tita” sa naturang portion ng noontime show. So far, sa mga napanood namin from Yayo, Ara Mina at Andrea del Rosario hanggang kay Aubrey nga, ang huli ang patok for us!

Mas lalong lumabas ang kaseksihan ni Aubrey dahil ang kapartner ba naman niya ay si Ronnie Alonte ng Hashtag na super bakat ang harapan nang sumayaw ng “Body Language” (80’s dance craze) at “Twerk It Like Miley”. Ha-hahaha! Tanghaling tapat talaga ang bakatan, di ba?

 

Read more...