Dating showbiz couple ‘friends with benefits’ ang drama; Adik daw sa sex

BLIND ITEM 0430

HMMMM, very intriguing naman ang natisod naming blind item tungkol sa dalawang kilalang celebrities na dating mag-sweetheart.

Kahit wala ngang nakaalam kung ano talaga ang cause ng kanilang hiwalayan at medyo natagalan ang madlang pipol na madiskubreng break na sila, meron pa rin palang nagaganap sa kanila hanggang ngayon mga ka-BANDERA. Si girlalu pala ay madalas pa ring magpadala ng pagkain sa mga set (take note, ganu’n ka-busy si actor) kung saan involved ang kanyang ex at puro mga paborito nitong food ang ipinapadala ni actress.

Maganda naman ang kanilang hi and hello encounters kahit daw sa mga common friends nila (eat out, group meetings, etcetera) pero mayroon pa palang mas matinding ganap kapag nais ni sikat na actor na makipag-goodtime kay actress, kabilang na nga riyan ang pagpunta sa langit ng kaligayahan. Ha-hahaha!

Ayon sa tsismis, diumano ay mabilis pa sa alas-kuwatro si actress na puntahan ang dating BF kapag tumatawag ito sa kanya o pinapupunta siya sa unit nito to spend some good time together. Kilalang magaling na artista ang dalawa at mukhang yakap na yakap nila ang pagiging true artist nila na kahit ang usaping “love and relationship” ay litong-lito sa set-up nila.

Hindi naman nila inaaming nagkabalikan sila o baka naman ineeklay lang nila ang publiko? Or maybe the next thing they will tell the world ay “break na sila uli?”  Hala, mga baliwag ng Pinas! Ha-hahahaha!

Read more...