SIGURADONG tuwang-tuwa ang AlDub Nation sa mga naging pahayag ni Kris Aquino tungkol kina Alden Richards at Maine Mendoza sa morning show ni Marian Rivera sa GMA 7.
Nag-trending ng ang first guesting ni Kris sa ‘Yan Ang Morning kahapon, ito ang kauna-unahang paglabas ni Kris sa isang GMA show matapos ang mahabang panahon. Ito rin ang first TV appearance niya after her long vacation with her two kids. Sa panayan nga ni Marian sa Queen of all Media tinanong ni Marian kung ano ang masasabi niya sa phenomenal loveteam ng AlDub.
“A, I love them. Si Maine, parati niyang sinasabi, di ba, na nakita siya ng TAPE dahil sa kaka-spoof niya sa akin. Tapos nakita yung mga videos. I’ve actually never met her. We’ve never met,” tugon ng TV host. Pero kung matatandaan, nagkita na sina Kris at Yaya Dub sa isang event bago pa makilala ang dalaga sa kalyeserye ng Eat Bulaga.
Tungkol naman kay Alden ito ang nasabi ni Kris, “Pero si Alden, nu’ng, noon-noon pa, nu’ng gumawa kami ng My Little Bossings (2013) tapos nag-guest ako sa Eat Bulaga, he was also a guest. “Nilapitan pa niya ako, and sinabi niya, ‘Miss Kris, ako po si Alden.’ Sabi ko, ‘Uy, kilala kita,’” chika pa ni Kris.
Hirit pa nito, “They deserve all the success that they have. Competition makes everybody strive harder.”