Jake, Ken magkakasukatan ng powers sa Lip Sync Battle

jake vargas at ken chan

PAGKATAPOS ng pinag-usapang paghaharap ng bida at kontrabida sa dating top-rating afternoon series ng GMA The Half Sisters na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino sa Lip Sync Battle Philippines, may bagong labanan na naman na aabangan ang mga Kapuso viewers ngayong gabi.

Tonight, two of GMA’s young male heartthrobs will face-off in an intense, surprising showdown on Lip Sync Battle Philippines – Jake Vargas versus Ken Chan. Matagal na ring magkaibigan sina Jake at Ken, nagsimula ang kanilang friendship nang magkasama sila sa dating programa ni Kuya Germs na Walang Tulugan With The Master Showman.

Parehong magaling kumanta ang dalawang Kapuso actor pero this time, ibabandera nila sa buong mundo ang kanilang talento sa pagli-lip sync at panggagaya sa porma ng mga napili nilang music icons. Round 1 promises to set the tone with Jake’s surprising OPM rock performance versus Ken’s novelty macho song. Round 2 will make everyone’s jaw drop with their intense, no-holds-barred performances.  Jake will channel a famous young pop singer and Ken will bring back a well-loved character.

Magiging super special din ang gabing ito as its host Michael V. fulfils his promise to surprise co-host Iya Villania on her birthday – may isang very special guest na aapir sa programa para pasayahin si Iya.
Kaya tutok na sa laging trending at laging wagi sa rating na Lip Sync Battle Philippines pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA lang.

Read more...