Sara Duterte nag-leave hanggang Hulyo 22; bagamat sinabing hindi dahil kay Digong

sarah duterte

NAG-LEAVE si Davao City Mayor Sara Duterte epetiktibo ngayong araw hanggang Hulyo 22, ayon sa kanyang kapatid na si Vice Mayor Paolo Duterte.
“I was instructed by the mayor to review all contracts of all job order employees and other related documents so that there will be no vacuum in government service,” sabi ni Paolo.
Idinagdag ni Paolo na inatasan din siya na ihanda ang budget para sa 2017.
“I was also designated to prepare the annual 2017 budget. Review the Kadayawan preparations and ensure the continuity of all pending projects. Let us all buckle down and work for our city,” ayon kay Paolo.
Hindi naman nagbigay ng rason si Paolo kung bakit naka-leave si Sara.
Niliwanag naman niya na walang kinalaman ang pagbabakasyon ni Sara sa trabaho sa pag-upo ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.
Idinagdag ni Paolo na nakatakdang magpatawag si Sara ng isang press conference sa Lunes para ipaliwanag ang kanyang leave.

Read more...