ISANG kongresista na tumawid ng bakod mula sa Liberal Party tungo sa PDP Laban ang dumanas ng panghihiya mula sa kanilang dating kapartido.
Sa naganap na Vin d’honneur sa Malacanang noong nakalipas na Independence Day ay dinedma ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang nasabing kongresista.
Bukod sa matagal nang kaalyado, umulan ng mga proyekto sa lalawigan ni Cong dahil sa kilala siyang malapit sa dating pangulo.
Pero nang matalo si Mar Roxas nitong nakaraang eleksyon, mabilis pa sa alas-kwatro na lumipat ng partido si Cong.
Opisyal pa naman ng LP ang isa sa mga kapatid ni Cong kaya ganoon na lang ang sama ng loob ng dating pangulo sa kanyang ginawang pagbalimbing sa kanilang pinagsamahan.
Sinabi ng ating Cricket na tinangka umanong lapitan ni Cong si PNoy noong Vin d’honneur pero lumayo sa kanya ang dating pangulo.
Ni ayaw nga raw niyang makita ang maasim na pagmumukha ni Cong dahil naaalala niya ang ginawa nitong pagtatraydor.
Sinubukan din daw ng mambabatas na humingi ng tulong sa ilan nilang common friends pero talagang desidido na ang dating pangulo na huwag itong kausapin.
Kahit si House Speaker Sonny Belmonte umano ay nilapitan ni Cong pero hindi umubra ang pakiusap nito na tumulay sa pagitan nila para lang makausap niya si PNoy.
Sinabi pa ng ating Cricket na masarap kaibigan si Aquino pero mahirap itong makabangga dahil mapagtanim ito ng sama ng loob.
Ngayong bago na ang administrasyon, sinabi ng ating Cricket na mas marami pang mga pulitikong balimbing ang maglilitawan dahil sa pansarili nilang mga interes.
Tunay nga na pagdating sa politika ay walang kai-kaibigan kundi pansariling interes lamang.
Ang kongresista na napahiya makaraan siyang dedmahin ni PNoy ay si Cong. U…..as in Ulupong.