FLASHBACK FRIDAY AKO BA ‘TO?

SARAH LAHBATI

SARAH LAHBATI

SWEDISH-FILIPINO ang aktres na si Sarah Lahbati na ipinanganak noong Oct. 9, 1993. Una siyang nakilala bilang Starstruck Ultimate Female Survivor, ang original artista search ng GMA 7.

Naging kontrobersiyal siya nang kalabanin ang kanyang mother network dahil napapabayaan na diumano ang kanyang career. Sa huli ay nagkaayos din ang dalawang kampo.

Ngunit mas pinag-usapan ang aktres nang mabalitang buntis ang aktres courtesy of her boyfriend Richard Gutierrez. Ayaw pa nilang umamin noong una, pero napilitan din silang ibandera ang katotohanan tungkol sa kanilang panganay na si Baby Zion. Kapamilya na si Sarah ngayon.

Read more...