Pamilya ni Kris pinaghandaan ang pag-uwi ni PNoy

MARIAN RIVERA AT KRIS AQUINO

MARIAN RIVERA AT KRIS AQUINO

NA-LATE pala nang dalawang oras si Kris Aquino sa taping ng morning show ni Marian Rivera. Pero nag-abiso naman ang aktres-TV host, nagpasabi siya sa production na hindi siya makararating sa oras na ibinigay sa kanya, dahil manggagaling pa siya sa meeting nilang magkakapatid.

Dalawang mahalagang isyu ang kanilang inupuan. Una, ang pagdalo niya bilang kinatawan ng kanilang pamilya sa ginanap na inagurasyon-panunumpa kahapon ng minanok nila sa pagka-vice-president, si VP Leni Robredo.

Ikalawa, ang matindi nilang paghahanda sa pag-uwi ni dating Pangulong Noynoy sa kanilang bahay sa Times Street, ipinagiba na pala nang buung-buo ang nasabing bahay para sa muling pamumuhay nang pribado ni PNoy.

Pagkatapos ng meeting nilang magkakapatid ay saka pa lang nagpunta sa taping si Kris, ayon sa aming source ay naging maganda ang daloy ng kuwentuhan nila ni Marian, lalo na nang mapag-usapan na ang isyu ng pagiging ina.

Kundi magkakaroon ng pagbabago ay ngayong Biyernes na ipalalabas ang pagge-guest ni Kris sa show, naging kontrobersiyal ang pagdalaw niya sa show ng aktres, dahil mas inuna pa raw niya ito kesa sa pagge-guest sa mga programa ng ABS-CBN.

Read more...