Sulat mula kay Chin-Chin ng Davao City
Problema:
1. May asawa akong sundalo pero simula nang ipinanganak ko ang panganay namin ay hindi na siya nagpakita sa akin. Malayo ang destino ng kanyang trabaho. Noong una ay tumatawag siya at nagte-text pero bandang huli ay nawala na at napalit na din siya ng number.
2. Pinutuhan ko siya sa kanilang kampo kung saan siya nagre-report at doon ko nabalitaan na may bago na pala siyang asawa. Wala naman akong magawa kasi hindi naman kami kasal. Pero sabi ng superior niya kakausapin niya daw ang asawa ko para kahit na paano ay masustentuhan ang anak namin.
3. Sa ngayon ay balak kong mamasukan sa Maynila dahil may mga pinsan ako doon na nagta-trabaho. Tama kaya ang pasya kong ito?
3. Iniisip ko rin na baka sa Maynila magkaroon ng pagbabago ang aking buhay at makakita ako ng tapat na lalaking hindi na ako iiwan at makakasama ko habang buhay sa pagtatayo ng masayang pamilya? February 23, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Chin-Chin ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing isang lalaking isinilang sa sign na Scorpio ang iyong mapapangasawa, at tulad ng nasabi na sa Cartomancy, mayaman ang kanilang pamilya.
Numerology:
Ang birth date mong 23 ay nagsasabing kapag nagkapag-asawa kang muli ay magkakaroon ka ng sariling negosyo na may kaugnayan sa grocery. Sa negosyo ito, lalo kayong yayaman ng lalaking iyong mapapangsawa na may birth date na 14.
Luscher Color Test:
Lagi kayong gumamit ng kulay na pula at berde lalo na kapag nagsimula na kayo ng negosyo. Sa ganyang paraan, ang paglago ng kabuhayan at pagyaman ay tuloy-tuloy na mapapasa inyo.
Huling payo at paalala:
Chin-Chin, tama ang iyong pasya, lumuwas ka ng Maynila at makaipagsapalaran. Sa iyong paglalakbay, tiyak ang magaganap, mami-meet mo ang lalaking nagtataglay ng initial na T.C. Siya ang ikalawang mapapangasawa mo at magpapatikim sa iyo ng isang maunlad at mayamang pamilya na magsisimulang mangyari at maganap sa susunod na taong 2017 sa edad mong 28 pataas.