Jeron Teng, Jane Oineza may iba nang ka-date

JERONE TENG AT JANE OINEIZA

JERON TENG AT JANE OINEZA

INAMIN na ng basketball player na si Jeron Teng na may bago na siyang dini-date, isang reporter sa courtside ng basketball games.

It’s about time na may i-date na si Jeron after maugnay sa Kapamilya star na si Jane Oineza. May balita rin na meron na ring dini-date ang youngstar. Inspirado tiyak si Jane when she did her newest episode sa Maalaala Mo Kaya na ipalalabas sa Sabado (July 2).

Ang tagal na rin naman noong huling episode na ginawa ni Jane para sa programa ni Charo Santos. At super special kay Jane ang MMK dahil dito talaga kinilala ang husay niya sa pag-arte!

Anyway, gaganap si Jane bilang si Naning, isang batang walang permanenteng tirahan ngunit gagawin ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral sa MMK.

Makakasama niya rito bilang magulang sina Amy Austria bilang Sallie at Simon Ibarra bilang Bong. Determinado si Naning na makatapos ng pag-aaral dahil marami siyang pangarap para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Ngunit hindi magiging madali para sa kanya ang makapagtapos . Noong bata siya ay inabandona siya ng kaniyang totoong nanay na si Christina (Jed Montero). Saksi rin siya sa matinding away nina Sallie at Bong dahil sa pangangaliwa ng ama.

Kahit na madaming pinagdaanan, nagsumikap si Naning at naghanap ng trabaho para makapag-aral sila ng kaniyang kapatid. Nakaabot sila ng highschool pero naisip ni Naning na baka hanggang doon na lang sila at hindi na makakatapak pa ng kolehiyo.

Hanggang sa makita siya ng photographer na si Rick (Juan Rodrigo) na nag-aaral sa bangketa.

Piniktyuran niya ito at ikinalat sa social media hanggang sa ito’y mag-viral. Ano ang naghihintay na kapalaran para kay Naning sa biglaang pagsikat sa social media?

Makakasama ni Jane sa MMK episode na ito sina Celine Lim, Rhed Bustamante at Althea Guanzon, sa direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Arah Jell Badayos. Huwag palampasin tuwing Sabado ng gabi ang MMK sa ABS-CBN.

Read more...