Mga Laro ngayong Huwebes
(Ynares Sports Arena)
4 p.m. Topstar ZC Mindanao vs Tanduay
6 p.m. Racal vs Phoenix
Team Standings: Phoenix (5-0); Café France (5-1); Racal (4-2); Tanduay (4-2); AMA (1-4); Blustar (1-6); Mindanao (0-5)
MAHAGIP ang ikaanim na diretsong panalo at mapanatili ang malinis na kartada ang asinta ng Phoenix Accelerators sa pagsagupa nito sa Racal Tile Masters sa 2016 PBA D-League Foundation Cup elimination round Huwebes sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Galing sa 126-77 tambakang panalo kontra Topstar ZC Mindanao Aguilas ang Accelerators at naniniwala si Phoenix head coach Eric Gonzales na bumabalik na ang matinding porma ng kanyang koponan na haharapin ang Racal sa alas-6 ng gabi na main game. Makakasama naman muli ng Phoenix si Mac Belo matapos ang one-game suspension.
Sa unang laro na gaganapin dakong alas-4 ng hapon, puntirya ng Tanduay Rhum Masters ang ikalimang panalo sa pagharap nila sa Topstar ZC Mindanao.
Galing sa 105-102 panalo kontra Blustar Detergent Dragons noong Martes ang Rhum Masters na hangad ang magkasunod na panalo sa pagsagupa sa Aguilas.