Anne bibida sa action movie kasama si Brandon Vera

anne curtis at brandon vera

MASAYANG ibinalita ni Anne Curtis sa kanyang mga followers sa social media na naghahanda na siya sa bago niyang pelikula, isa itong maaksiyong proyekto kung saan makakasama niya Filipino-American MMA star na si Brandon Vera, sa direksiyon ni Erik Matti.

Sa kanyang Instagram account, sinabi ni Anne na sumasailalim na siya ngayon sa isang matinding training para sa nasabing movie. Aniya, “Excited ako kasi nga hindi ko pa siya ginagawa and it’s actually always been something that I’ve wanted to do. Game kaagad. Ine-enjoy ko siya. I guess it helps that I’m also very active. Doing something na challenging excites me.”

Siya rin daw ang gagawa lahat ng kanyang action scenes sa movie, “No to doubles. That’s why I’m really putting in so much effort. I told this to direk na kung puwede ako talaga. Seryoso talaga kaya inaaral ko as much as I can kahit pasa pasa na ako, okay lang.”

Samantala, sinabi ni Brandon na dito na siya maninirahan sa bansa, “I live here now. I just found out I’m a dual citizen at birth! I’ll be at the consulate on Monday to pick up my passport.”

Read more...