Jane gaganap bilang ‘viral student’ sa MMK

jane oineza

GAGANAP si Jane Oineza bilang isang batang walang permanenteng tirahan ngunit gagawin ang lahat para makapagtapos ng pag-aaral sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Lumaki sa kalsada ng Quiapo kasama ang kanyang mga magulang na sina Sallie (Amy Austria) at Bong (Simon Ibarra), si Naning (Jane) ay determinadong tapusin ang kanyang edukasyon para na rin sa kanyang pangarap na magkaroon sila ng mas magandang buhay ay tirahan.

Hindi naging madali ang buhay para kay Naning. Noong bata siya ay inabandona siya ng kaniyang totoong nanay na si Christina (Jed Montero). Saksi rin siya sa matinding away nina Sallie at Bong dahil sa pangangaliwa ng huli.

Pero kahit na maraming pinagdaanang pagsubok sa buhay, nagsumikap si Naning at naghanap ng trabaho para makapag-aral sila ng kaniyang kapatid. Nakaabot sila ng highschool pero naisip ni Naning na baka hanggang doon na lang sila at hindi na makakatapak pa ng kolehiyo.

Isang araw, nakita ng photographer na si Rick (Juan Rodrigo) si Naning na nag-aaral sa bangketa. Nakita niya ang pagsusumikap ni Naning sa pag-aral kung kaya’t napagdesisyunan niyang ibahiga ang kwento ni Naning.

Ikinalat ni Rick ang mga litrato ni Naning online at nag-viral kaagad ang mga ito na sinundan ng mga mensahe ng suporta para kay Naning. Makatulong kaya ang mga netizens sa dalaga para magkaroon siya ng mas mabuting buhay at magkaroon ng pagkakataon na makatapos ng kanyang pag-aaral?

Kasama sa upcoming episode ng MMK sina Celine Lim, Rhed Bustamante at Althea Guanzon l. Ang episode ay sa ilalim ng direksyon ni Raz dela Torre at sa panulat ni Arah Jell Badayos. Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos.

Samahan ang MMK sa paggawa ng mas maganda pang mga alaala sa ika-25 anibersaryo nito at bisitahin ang mmk.abs-cbn.com. Huwag palampasin ang mga nakakaantig na totoong kuwento ng buhay tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN ABS-CBN o ABS-CBN HD (SkyCable channel 167).

Read more...