Dating alaga ni Kuya Germs naka-jackpot sa Encantadia

sanya lopez

ANG isa sa mga Sang’gre sa upcoming requel ng Encantadia na si Sanya Lopez ang tampok ngayong Miyerkules ng gabi sa Tunay Na Buhay.

Isa si Sanya sa maraming kabataang napapanood noon sa Walang Tulugan With The Master Showman” ni Kuya Germs kung saan nakasama rin niya ang kapatid na si Jak Roberto. In fairness, marami ang nagagandahan kay Sanya, ang sey nga ng mga netizens swak na swak ang beauty niya sa bagong Encantadia, bukod pa sa kanyang kaseksihan.

Huli siyang gumanap bilang matalik na kaibigan ni Barbie Forteza sa hit afternoon teleserye na The Half Sisters. Dahil baguhan pa lang sa showbiz, marami ang nagulat nang masungkit niya ang coveted role bilang isa sa mga Sang’gre sa action-fantasy series ng GMA na Encantadia.

Paano nga ba ang paghahandang ginawa niya para sa pagganap niya sa role ni Sang’gre Danaya, ang tagapangalaga ng Brilyante ng Lupa na pinasikat naman ni Diana Zubiri sa original version nito?
Kilalanin si Sanya Lopez ngayong Miyerkules sa Tunay Na Buhay, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Read more...