Jodi: Ayokong gamitin si Jolo sa promo ng pelikula namin!

jodi sta maria at jolo revilla

WE have but great respect also for Jodi Sta. Maria, na never nag-deny o nagsabi ng masasama tungkol sa break-up nila ng dear friend nating si Cavite Vice-Governor Jolo Revilla.

Limang buwan na palang break ang dalawa kahit pa noong kasagsagan ng kampanya kung saan tumulong pa si Jodi sa kandidatura ng batambatang actor-politician, pero nanatili pa rin silang good friends.

“He is a dear friend and we had a relationship before. Sadya lang talagang may mga bagay na hindi umaakma sa panahon at pagkakataon. But we remain true friends at handang magdamayan anytime,” sey ni Jodi habang nasa kasagsagan ng promo ng “The Achy Breaky Hearts” movie kasama sina Ian Veneracion at Richard Yap.

“Ayaw ko na sanang banggitin pero unfair kasi sa tao lalo na kay Jolo na ma-drag sa mga isyu o pagtatanong ng media dahil naging kami naman talaga. We had a beautiful relationship and now a beautiful friendship.

“Kung mag-e-emote pa ako ng kung anu-ano diyan eh, baka masabi pa ng iba na ginagamit ko yung tao. Huwag naman. We have a very entertaining movie coming at gusto ko sa promo at publicity nito ay mapokus tayo sa ganda at aliw ng film at hindi sa mga personal na isyu sa akin o sa amin,” paliwanag pa ni Jodi.

Kaya nga raw siya proud na proud na makasama ang mga married men na sina Ian at Richard dahil una, mga responsableng lalaki ang mga ito at ikalawa, pure friendship ang meron sila on and off the cameras.

“It is always a great feeling and experience to work with people and friends like them dahil alam mong safe and secure ka,” hirit pa ng maganda at mahusay na aktres na gumaganap bilang si Chinggay sa movie na for sure ay isa na naman sa mga big hit ng Star Cinema this year. Sigurado kaming inaabangan na ito ng Team Tisoy at Team Chinoy kaya sugod na kayo sa mga sinehan.

Read more...