GAGALUGARIN ng bagong Executive Board ng Philippine Sports Commission (PSC) Luzon, Visayas at Mindanao para palakasin ang sports development program ng bansa at makahanap ng mga bagong talento na kanilang sasanayin para sa mga darating na international competition.
Ito ang inilahad ng nagbabalik na chairman ng PSC na si William “Butch” Ramirez sa kanyang pagdalo sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate branch kahapon.
Kasama niya kahapon ang apat nitong commissioner na sina Charles Raymond Maxey, Ramon Fernandez, Arnold Agustin at ang natatanging babae na si Celia Kiram.
“We will strengthen the linkages to international competitions and contacts and exposed our national athletes abroad while focusing mostly on the development of the grassroots,” ani Ramirez. Hahawakan ng beteranong journalist na si Maxey ang Mindanao pati na ang pagbabalik sa Sports for Peace at Mindanano Friendship Games.
“What I saw in the countryside and provinces, may kakulangan talaga sa sports (programs). This is what we are going to address,’’ sabi ni Maxey, na katulad ni Ramirez ay mula rin sa Davao City. Ang dating PBA superstar at four-time Most Valuable Player na si Ramon Fernandez ang siya namang mamamahala para sa Visayas at mga team sports na tulad ng basketball, rugby, volleyball, baseball, at iba pa.
Ang enhinyero naman na si Agustin ang itinalaga para mamahala sa lahat ng sports facilities ng bansa. Sa kanya rin iaaatang ang mga programa para sa mga differently-able athletes. “My task is to evaluate all existing facilities, and work on how to improve them to international stds.
Saka iyun din mga NSA’s na walang training venue tulad ng Squash, we will try to look for place and built one for them,” sabi pa ni Agustin, na dating PSC deputy chief for Assistance and Coordination Division. Tututukan naman ni Kiram, butihing asawa ng namayapang Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram, ang sektor ng kababaihan at kabataan. Tututukan din niya ang sports sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
“We will strengthen the linkages to international competitions and contacts and exposed our national athletes abroad while focusing mostly on the development of the grassroots,” ani Ramirez.
Hahawakan ng beteranong journalist na si Maxey ang Mindanao pati na ang pagbabalik sa Sports for Peace at Mindanano Friendship Games.
“What I saw in the countryside and provinces, may kakulangan talaga sa sports (programs). This is what we are going to address,’’ sabi ni Maxey, na katulad ni Ramirez ay mula rin sa Davao City.
Ang dating PBA superstar at four-time Most Valuable Player na si Ramon Fernandez ang siya namang mamamahala para sa Visayas at mga team sports na tulad ng basketball, rugby, volleyball, baseball, at iba pa.
Ang enhinyero naman na si Agustin ang itinalaga para mamahala sa lahat ng sports facilities ng bansa. Sa kanya rin iaaatang ang mga programa para sa mga differently-able athletes.
“My task is to evaluate all existing facilities, and work on how to improve them to international stds. Saka iyun din mga NSA’s na walang training venue tulad ng Squash, we will try to look for place and built one for them,” sabi pa ni Agustin, na dating PSC deputy chief for Assistance and Coordination Division.
Tututukan naman ni Kiram, butihing asawa ng namayapang Sultan ng Sulu na si Jamalul Kiram, ang sektor ng kababaihan at kabataan. Tututukan din niya ang sports sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). —Angelito Oredo