Sinabi ni Senator-elect Joel Villanueva na mismong si Pimentel ang nagsabi na nakatakdang mag-usap sina Duterte at Cayetano.
Umaasa naman si Villanueva na magkakasundo sina Pimentel at Cayetano kung sino ang magiging susunod na Senate president.
Idinagdag ni Villanueva na kapwa siya inalok nina Pimentel at Cayetano na magiging chairman ng Senate committee on labor.
Nauna nang sinabi ni Pimentel na suportado siya ng “supermajority” para maging sususnod na Senate President.
Idinagdag ni Pimentel na itatalaga naman si outgoing Senate President Franklin Drilon bilang Senate pro-tempore; Sen. Vicente Sotto III bilang majority leader, Sen. Panfilo Lacson bilang chair ng public order at dangerous drugs committee; at Sen. Leila de Lima bilang head ng justice committee.
Si Cayetano ang siyang running-mate ni Duterte sa nakaraang eleksiyon noong Mayo 9.
Kinontra rin ni Cayetano ang pagtatalaga kina Lacson at De Lima bilang chairman ng ilang committee.