Nadine excited nang makasama sa pelikula si Sarah

nadine lustre at sarah geronimo

NA-EXCITE si Nadine Lustre sa suggestion ng mga fans nila ni James Reid at ng milyun-milyong Popsters na pagsamahin sila ni Sarah Geronimo sa isang pelikula.

Ayon kay Nadine, matagal na siyang fan ni Sarah at bilib na bilib siya sa galing ng Kapamilya TV host-singer-actress sa mga talento nito, kaya kung mabibigyan ng chance na makatrabaho niya ang Pop Princess sa isang malaking proyekto ay dream come true ito para sa kanya.

“Siyempre po, why not? I mean, Ate Sarah ‘yun, siyempre, maganda ‘yun. Siyempre, masaya din po ‘yun,” chika ng dalaga. Para sa lahat ng JaDine fans, malapit n’yo na uling mapanood ang magka-loveteam sa telebisyon dahil nasa pre-production na ang kanilang bagong teleserye. Bukod dito may follow-up movie na rin sila under Viva Films to be directed again by Antoinette Jadaone.

“Excited na kami sa next soap. Maganda po kasi ‘yung bago naming TV series. It’s more mature than On The Wings Of Love, so nakaka-excite. Tapos, may pupuntahan pa po kaming iba’t ibang lugar. This is about friendship and family,” pahayag ni Nadine.

Samantala, sa apat na buwang relasyon nina James at Nadine wala pa tayong nabalitaang nag-away o nagkatampuhan sila, mukhang magaling mag-alaga si James ng girlfriend, “Basta it’s getting better every month,” sabi ng binata.

At kung ire-rate raw niya ang kanilang relasyon bilang magdyowa sa scale ng 1 to 10, “I can’t put it on a scale of 1-10. It’s just always 10!” Natanong din sina James at Nadine kung may mga bagong discoveries pa sila sa isa’t isa matapos ang kanilang world tour?

Sagot ni Nadine, “Actually, strict siya, sa food. Kasi nu’ng nasa States po kami, siyempre, pagkain, masarap. So, I tend to parang overeat. Tapos lahat ng alam mong hindi healthy, kakainin mo, kasi nga, lahat nga po ng pagkain du’n, masarap.

“So, ang nangyari po, since kasama ko si Lauren, ‘yung sister ni James, palaging healthy ‘yung food namin, palaging salad. May steak naman kami, ganyan, pero nothing oily, nothing unhealthy. “Tapos, parati niya akong nire-remind, water, water, ‘inom ka lang ng water all the time,’” aniya pa.

Read more...