BINIGO ni Grandmaster John Paul Gomez sa 42 moves ng Scandinavian opening ang National Master na si Emmanuel Emperado para manguna sa 2016 National Chess Championships Grand Finals-Battle of Grandmasters kahapon sa PSC National Athletes Dining Hall sa Malate, Maynila.
Si GM Gomez ngayon ay may 7.5 puntos matapos ang 11 rounds at lamang ng kalahating puntos kina GM Joey Antonio, International Master Paolo Bersamina, at GM Jayson Gonzales na pawang may 7.0 puntos sa torneyo.
Ang mga magtatapos sa unang tatlong puwesto ay mabibiyayaan ng mga silya para sa pambansang koponan na sasabak sa 42nd Baku World Chess Olympiad sa Setyembre.
Ang susunod na makakalaban ni Gomez ay si Bersamina na nakipag-draw kay GM Rogelio Barcenilla sa round 11 kahapon.
Tinalo naman ni GM Gonzales si IM Chito Garma sa 53 moves ng Benoni opening habang si GM Antonio ay namayani sa qualifier na si John Marvin Miciano sa 43 moves ng Caro-Kann opening.
Napanatili naman ni Woman International Master Janelle Mae Frayna ang liderato sa women’s division bagaman nauwi sa draw ang laban nito kay WIM na si Beverly Mendoza kahapon.
Si Frayna ay may 8.0 puntos at nasa pangalawang puwesto naman si Jan Jodilyn Fronda na may 7.5 puntos. Sina Christy Lamiel Bernales at Catherine Secopito ay kapwa may 6.5 puntos. —Angelito Oredo
GM Gomez nangunguna sa Battle of Grandmasters
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...