Utol ni Ate Guy pumanaw na

NORA AUNOR

NORA AUNOR

KAHAPON ay nakatanggap ako ng text from dear friend Atty. Ferdie Topacio tungkol sa pagpanaw ng bunsong kapatid ni Ms. Nora Aunor, si Eddie Boy Villamayor who have been fighting for his life sa ICU ng FEU Hospital for a time.

Actually, matagal nang nakaratay sa ospital si Eddie Boy pagkatapos nga niyang ma-stroke noong July 2015. Hindi ko lang alam kung saan exactly binawian ng buhay si Eddie Boy pero iyon nga, isang mabigat na oras na naman ito para sa nag-iisa nating Superstar dahil for the longest time ay siya ang nagtataguyod sa kapatid na may sakit.

Ipinasok sa isang rehabilitation facility si Eddie Boy for a long, long time at doon na siya nagkasakit kaya ipinasok na rin siya ni Mama Guy sa FEU Hospital for treatment. Grabe rin ang pinagdaanang paghihirap ni Eddie Boy kaya siguro minabuti na ng Panginoon na magpahinga na siya.

Masakit man pero wala tayong magagawa – dapat na rin sigurong matanggap ito ng mga kamag-anak niya kaysa naman lalo pang tumagal ang agony niya on earth. We haven’t spoken to Mama Guy yet, very untimely to call her dahil she’s grieving pa. Fresh pa kasi kaya ayaw muna namin siyang istorbuhin. I know how it feels na mawalan ng mahal sa buhay.

Read more...