Sa drama series ni Jolina unang lumabas si Jodi, isa lang ang dialogue

By Ervin Santiago June 28,2016
share this

Sa drama series ni Jolina unang lumabas si Jodi, isa lang ang dialogue

By Ervin Santiago June 28,2016
share this

jolina magdangal at jodi sta maria

TAWA naman naman tawa si Jodi nang ikuwento kay Jolina Magdangal sa Magandang Buhay ang unang acting job na ginawa niya pagkatapos siyang matanggap sa Star Circle (Star Magic) noong 1997.

Ayon sa aktres unang-unang paglabas niya sa TV ay ang pagiging extra sa Star Drama Presents: Jolina, “Sobrang excited ko kasi isa na akong ganap na artista. Call time ko 6 p.m. pero kinunan ako 7 a.m. na kinabukasan.

“Nagpa-make up pa ako, retouch. Pagsakay ng kotse, sabi ni direk, ‘Sasabihin mo lang ate.’ Pagsakay ko ng kotse, sabi ko ‘ate,’ tapos niratrat kami, patay na ako,” natatawang chika pa ni Jodi. Kabadung-kabado nga raw siya sa eksenang ‘yun dahil sa ipinasuot sa kanyang props para sa barilan scene.

“’Yun ‘yung kapag binaril ka, may puputok. Takot na takot ako noon. Pero siyempre natatakot din ako na baka mapagalitan ako kapag hindi ko nagawa ng tama yung acting ng pagkamatay,” pahabol pa ni Jodi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending