Matutuloy kaya ang kasal sa 2017?

Sulat mula kay Mayang ng Luhatan, Pasonanca, Zambonga City
Dear Sir Greenfield,
Sa next year po ay balak na naming magpakasal ng boyfriend ko. Wala namang problema dahil nasa hustong edad na kami, 25 years old ako at siya naman ay 28 years old na. Seaman siya kaya medyo kinakabahan din ako, iniisip ko kasing baka may iba siyang girlfriend sa barko kaya naisipan kong kumunsulta sa inyo. Gusto ko lang makatiyak o malaman kung compatible ba kami ng boyfriend ko at kami na ba ang magkakatuluyan at matuloy kaya ang kasal namin next year at kung matutuloy magiging successful naman kaya ang itatayo naming pamilya habang buhay? September 26, 1990 ang birthday ko at February 13, 1988 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Mayang ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang naman ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1.arrow 1.) sa iyong palad. Tanda na may pangako ng isang maligaya at pang habangbuhay na pag-ibig na hahantong na rin sa isang maligaya at pang habang buhay na pag-aasawa.
Cartomancy:
Nine of Hearts, King of Hearts at Queen of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ang lalaking boyfriend mo sa ngayon ay may kayumangging kulay ng balat, habang ikaw naman ay may kaputian o hindi ka kaitiman, sigurado na ang magaganap sa susunod na taong 2017, matutuloy ang inyong kasal at kayo na nga ang nakatakda magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at pang habang buhay na pamilya.
Itutuloy…

Read more...